Pages

Thursday, July 20, 2017

Introducing #MealPlanningwithPipay


Late na'ko natulog kagabi ng kakaisip ng mabuting gawin sa current emotional state ko. Syempre, hindi pwedeng forever akong maging depressed. Kailangan kong maging okay kasi may mga anak akong nakadepende sa'kin. Buti na lang na late na din nagising kaming mag-ina, so bawi pa rin ang tulog and at the same time hindi pressured magprepare ng breakfast kasi masarap pa din ang tulog ni bunso. Eight AM na s'yang gumising. Si kuya naman nakisleep over sa grandparents nya.

And speaking of breakfast, that's actually part of why I slept late.

I made a meal plan to keep me organized ng konti and to make sure I serve balance meals to my kids na swak pa rin sa budget.

Nahihirapan din kasi ako minsan mag-isip ng uulamin namin for the day bukod sa isda, which is usually abundant dito sa amin, except lang for these days na umuulan. A meal plan could save me a lot of time and energy thinking what will be prepared for the next meal.

A meal plan can also save me trips to the market and grocery store. Since meron nang nakaplan na meals, this will be my basis on what to buy na for the whole week or until the next marketing day.

Iwas-panis at iwas-umay hack din ito. I get to prepare what is only consumable for us and save the uncooked ingredients for the next meal.

Ang pinakaimportante siguro sa lahat ay dahil sa meal plan, makakahanda na ako ng mas nutritious at balance meals para sa mga anak ko. They are really picky and won't eat vegetabes, mana sa'kin when I was growing up. This is where it gets challenging but I am up for it.

At syempre, kailangan din e-consider ang budget. We have other needs to think about, so it is important to serve meals that are nutritious and delicious but still within our means.

For commitment purposes, I have promised myself to post our meals sa aking Instagram account na pie_ness_.

Nasaan na ba ako ngayon sa buhay ko?

Malapit na akong mag 30 pero sa tingin ko ang bagal-bagal ng pag-usad ng buhay ko. Feeling ko din nag-iisa lang ako kahit may nakakausap naman virtually sa social media at minsan in person. Pero the fact siguro na basically, I live alone with only my 2 young kids, yun yung nagpapa-lonely sakin. Hindi naman talaga literally alone kasi nga I live with my kids, pero I'm the only adult. Wala akong nakakausap every day na adult, unless I visit my mother and sister or they visit me. Tingin ko yun talaga ang kulang, yung connection ko sa ibang tao. Yung desire na may makaintindi sayo at sa mga pinagdadaanan mo. Yun. Wala as of now, pero malapit na din uwi ni hubby, kaya kapit lang. Kahit na nararamdaman ko na parang malayo na din kami sa isa't isa emotionally.

Kulang lang kaya ako sa Vitamin B? Sabi ko bibili ako pero nakalimutan ko na naman. I read on an article kasi na those who lack Vitamin B are easily stressed, anxious and moody--which describes me for the past months.

Marami din siguro factors kung bakit ako nagkakaganito. Isa na yung parang I feel alone, laging walang may mapagsabihan ng problema at ng hirap ng pagpapalaki ng mga anak. At since ako lang mag-isa ang kasama ng mga anak ko sa bahay, less time din yung nagugugol ko sa online work ko. I'm aware that I'm underperforming at nakakababa ng morale yun. Plus din na with less time sa work means less sahod. Dun pa lang naiistress na ako hahaha.

Second is yung business ko. Snackhouse sya. Bonus ko nung December 2016 at sahod ko dyan ko binuhos, tapos may mga nasangla pa ako worth 18,000 na hanggang ngayon hindi ko pa mabayaran. Hindi sya kasi kumikita talaga. Sapat lang para ibayad ko sa mga tao ko yung kita nya, minsan kulang pa. Hindi ko alam kung pano lalaki ang sales namin. Mag eend na din kami sa nirerentahan naming pwesto, at plan ko pagawa na lang dito sa gilid ng bahay namin. Pero kahit yan unpredictable din kung magki-click sya. Pano pag hindi magclick? Eh di madadagdagan lang gastos ko at ilang months or years na naman kaya bago ako makarecover. Take note: may dapat pa akong tubusin na sangla ha.

Pero bakit ako nagdadalawang isip kung ista-stop ko? Una, sayang kasi ang mga gamit na naipundar d'yan. Ikalawa, new location ito at bagong theme, gagawin ko syang garden cafe, baka magclick din. Ikatlo, magseserve din ako ng rice meals so medyo may additional income sya aside from snacks. Fourth, malapit lang sya sa bahay so sa tingin ko kaya ko syang e-manage. At ikalima, umaasa pa rin ako na kahit papano maging successful ako sa venture na'to kasi ever since naman talaga pangarap ko na ang magkaroon ng food business.

Third, nagho-homeschool kami ng mga anak ko. At aminin ko man o hindi, hirap ako, kasi nga parang wala na akong time para d'yan. Kulang lang ba ako sa time management o talagang I have too much on my plate na? Minsan naisip ko pano kaya kung nag enroll na lang sya sa trad school? Mas mabuti kaya 'yun? Pero hindi ko malalaman ang sagot, kaya papanindigan namin ang homeschool. Kung may igigive-up man ako, hindi ito. Ito yata ang pinakaimportante. Kailangan ko lang ng parang game plan pa'no maconquer ang mga mountains na to. Kailangan ko malampasan lahat ng 'to.